Friday, June 17, 2011

Love Compatibility of Billy and Nikki (Pinoy Parazzi article)
A Song of Love
image
Real Name: Monica Pauline Santos Gil
Screen Name: Nikki Gil
Date of Birth: August 23, 1987
Element: Fire
Fifth House: Children
Key Planet: Sun
Leo Greatest Strength: Your playful and loving nature
Leo Possible Weakness: Need for approval can become too important
image
Real Name: Billy Joe Crawford
Screen Name: Billy Crawford
Date of Birth: May 16, 1982
Element: Earth
Second House: Possessions
Key Planet: Venus
Taurus Greatest Strength: Your sensible outlook on life
Taurus Possible Weakness: Accepting less than you can achieve
Sabi nga ng matatanda, “Sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy!” Pero ang totoo n’yan, wala namang ikakasal. Mayroon lang namang aminang naganap dahil sa wakas ay inilahad na rin ng mga singers na sina Nikki Gil at Billy Crawford ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Yes, mga kaparazzi. Open na open na raw silang dalawa at mukhang malaki ang naging epekto nito sa dalawang love birds na ire at para bang nasa Cloud 9 sila nitong mga nakaraang linggo. Happy naman tayong lahat para sa kanila pero eto lang ang mase-say natin, tunay ba ang kanilang pagmamahalan? Wagas at panghabambuhay na ba sila, knowing Billy, bago pa sila nagkatuluyan ni Nikki ay batak na batak ang 27-taong gulang na R&B, pop, soul singer sa mga babae? Alam ninyo ba, mga badet, na naging GF niya ang sikat na French dancer na si Maryss from Paris at naka-relasyon din si Mandy Moore noong bata pa lamang sila? Astig, di ba? Pero ‘ika nga, past is past at let’s move on na, ‘noh?!
Kung hindi kayo kumbinsido na magkakatuluyan at magsasabihan ng pamosong “I do” sina Billy at Nikki, aba’y itanong na lang kaya natin sa mga stars kung bagay nga sila.  Simulan na!
Isinilang si Nikki noong Agosto 23 at pumapatak ang zodiac niya sa Leo. Samantalang si Billy ay noong Mayo 16 naman ipinanganak at isang Taurus. Ayon sa kanilang love compatibility, napaka-passionate ng dalawang ito lalo na kapag tumagal na ang kanilang pagsasama. Pero siyempre, lahat ng relasyon ay dumaraan sa bagyo. Pera ang malaking hadlang para sa dalawang ito. Matipid at masinop sa pera ang lalaking Taurus samantalang mahilig naman bumili ng kung anu-ano ang babaing Leo. Malaking bagay ang dapat nilang isakripisyo upang malusutan ang kanilang mga problema.
Gayunpaman, malaki ang t’yansa nilang dalawa na magkatuluyan. Kailangan lang nilang pagsikapan ang pagbabago at magsisimula ito sa kanilang ugali. Kailangang pakisamahan ni babae ang bossy na ugali ni lalaki at kailangan naman ni lalaki na lambingin paminsan-minsan si babae upang lalo silang magkasundo.
Pagdating sa kama, natural na leader ang Leo at hindi siya papayag na pangungunahan ng mas wild na Taurus. Match ang dalawang ito lalo na sa sex appeal at mayroon malakas na physical at emotional attraction sa isa’t isa.
Ayun naman pala, eh, wala pala tayong dapat ipangamba, lalo na ang naniniwala sa Billy-Nikki tandem, dahil magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang relasyon. Baka nga ‘pag nagtuloy-tuloy ang maganda nilang chemistry, hindi malayong makarinig tayo ng kalembang ng kampana sa simbahan. Charing!
(This is just an old article collected that I felt like posting up…The photos also were just individually put in by me so just to point out. 

No comments:

Post a Comment